PUGOT NA ULO NATAGPUAN NA PALUTANG LUTANG SA ISANG ILOG SA MAKATI
MAKATI – Natagpuan ang isang pugot na ulo ng babae kamakailan sa may creek o kanal sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, Brgy. Pinagkaisahan ng lungsod na ito. Ayon sa imbistigasyon ng kapulisan, nakita ng mga construction worker ng Maynilad ang pugot na ulo na akala nila noong una ay manekin lang, subalit ng suriin ay pugot na ulo ng babae kaya naman itinawag na agad nila sa himpilan ng kapulisan. Samantalang iniimbistigahan pa ng kapulisan ang ang insidente kung ang natagpuang pugot na ulo ay ang nawawalang ulo sa katawan ng babae na natagpuan sa Bulacan kamakailan. CREDIT TO: https://www.google.com/amp/s/serbisyobalita.wordpress.com/2017/01/16/pugot-na-ulo-natagpuang-palutang-lutang-sa-kanal/amp/
Comments
Post a Comment